Tuesday 8 November 2011

may kasama siya

nakita ko ang isang 21 taong gulang n batang babae,nagpakatapang na pumunta ng hongkong para lang tumakas sa naunsiyaming pag-ibig pero cyempre kasama na ang kadahilanang para sa pamilya anng lahat..nagsakripisyo,nakulong ng walang kasalanan pero hindi nawalan ng pananampalataya at pasasalamat sa DIYOS kasi naiintindihan nyang ang lahat ng bagay na pinagdadaanan nya ay may dakilang rason ang DIYOS..napadpad ng CANADA...o anong saya kaakibat na naman ng mga walang katapusang problema..kung tinitingnan ko cya ngayon,may pipi akong katanungan sa kanya...bakit sa kabila ng lahat eh nakakaya mong sumaya?bakit parang lahat ng problema moy may positibo kng pananampalataya?...nakita kitang lumuluha habang nakapikit ang mata...habang ang kanang kamay ay nakataas at ang kabilay nakahawak sa puso...narinig kitang sinasambit ang katagang,''salamat PANGINOON dahil anjan ka''..ngayon,alam ko na ang sikreto nya..nakakaya nya ang lahat dahil may'' KASAMA'' siya..